Ang Ating Wikang Pambansa

2008
05.08

Sa kasalukuyan napupuna ko na ang salitang Filipino ay malimit ko nang naririnig o nababasa na ginagamit ng tama. Nasanay na ang karamihan sa atin sa paggamit ng Tagalog at itinuturing na din nila itong pambansang wika ng Pilipinas. Filipino ang pambansang wika ng mga Pilipino. Ang wikang ito ay walang halong wikang banyaga, hindi katulad ng Tagalog na ang bawat pangungusap ay may nakahalong salita galing sa mga dayuhan – kalimitan ay Ingles.

Noong ako ay nasa Pilipinas pa, ayaw ko ang araling Filipino. Ngunit ngayong nasa dayuhang lugar ako at habang tumatanda na din, natutunan kong ang sarili kong wika ay hindi ko dapat kalimutan at ito’y dapat kong ipagmalaki. Kung ang ibang lahi, katulad ng mga Espanyol, Hapon at Intsik, nga ay nagawa nilang gamitin ang kanilang wika sa pang araw-araw na pananalita, bakit ba hindi ko maaring gamitin ang sarili kong wika na walang halo ng wikang banyaga. May karapatan din akong gumamit ng sarili kong wika hindi ba?

Inaamin kong hindi ako gaanong magaling sa paggamit ng wikang Filipino. Ako ay mayroong dahilan. Ang Pilipinas ay maraming wika at isa sa mga iyon ay ang wikang Hiligaynon. Iyan ang wika ng mga taga Kanlurang Bisaya. Sa aming lugar, hindi namin ginagamit ang wikang Filipino sa pang araw-araw. Sa eskwela lang namin nagagamit ang wikang Filipino. Mayroon man akong dahilan, hindi pa din iyon sapat para hindi ko turuan ang aking sarili ng aking wikang pambansa. Ang aking katipan ay isang Bulakenya at unti-unti nya akong natuturuan ng mga salitang Filipino – karamihan sa mga salitang natutunan ko ay napakalalim; kinalakihan na yata ng mga taga Bulakan ang maging makata.

Humihingi ako ng paumanhin sa aking mga mambabasa kung hindi ko masyadong naipahiwatig ang tunay kong layunin sa sanaysay na ito. Ako ay nahihirapan pang gumamit ng wikang Filipino lalong-lalo na sa paggamit ng tamang balarila upang ipaalam sa buong mundo na ang Filipino ay dapat huwag dumihan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga salitang banyaga dito. Ang wikang Filipino ay s’yang tanging naiwan para tayo ay makilala bilang isang Pilipino at maitatangi sa mundo.

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

9 Responses to “Ang Ating Wikang Pambansa”

  1. mhar says:

    sa wakas nakapagtagalog din! para sa akin ok lang naman ang paggamit ng taglish eh, kung ang iniintindi mo o kinokonsider ay ang mabisang pagpapahayag ng damdamin then why not using english? kung ang pangunahing dahilan lang naman ay para maipahayag mo ang gusto mong sabihin. wag mo munang ikonsider ang formalidad, isipin mo muna kung SINO at PAANO maiintindihan ang iyong pinagsasabi. maging informativ at efectivo.

  2. lucia says:

    gawa kayo naman ng tula kailangan ko sa assignment ko…..^_^!!!!

  3. ALICE says:

    ….wOw ahn luPhet amn n6 talumpati mOh preh…

  4. mae says:

    ula ,,,vah??.,
    ako ay may tula mahabang mahaba akoy uupo tapoz nah pu,,….,
    pde na b yan?.,,,
    /hehe/joker!!,.,
    <<<

  5. zian says:

    uala lng eeksena lng aqu….

  6. hiary says:

    nu po ba mga bagobg wika..ng 2006 to 2007..

  7. ISM GRUOPS says:

    PINAPRINT KU 2 KC INUTOS SKIN NG TITA KO KC ASSINGMENT NG PINSAN KO.

  8. jen says:

    Bakit ang wikang filipino ang ating pambansang wika?

    plzzz… answer itzz…..

  9. Raven says:

    Hindi po ito isang sanaysay o talumpati. Ito ay isang puna at opiny0n lamang. Tila pinaikot lng ang paksa s iisa at isinama pa ang bAyografi ng my akda. Hinaluan ng malalalim na wikang filipin0. At gnamitan ng mga salitang malimit nang gamitin. Gaya ng mayro0n, n ating gnagamit blang may. Atbp.

Your Reply