“Your morals rise as your stomach fills?”


Archive for May 8th, 2008

Ang Ating Wikang Pambansa

Sa kasalukuyan napupuna ko na ang salitang Filipino ay malimit ko nang naririnig o nababasa na ginagamit ng tama. Nasanay na ang karamihan sa atin sa paggamit ng Tagalog at itinuturing na din nila itong pambansang wika ng Pilipinas. Filipino ang pambansang wika ng mga Pilipino. Ang wikang ito ay walang halong wikang banyaga, hindi katulad ng Tagalog na ang bawat pangungusap ay may nakahalong salita galing sa mga dayuhan – kalimitan ay Ingles.

Noong ako ay nasa Pilipinas pa, ayaw ko ang araling Filipino. Ngunit ngayong nasa dayuhang lugar ako at habang tumatanda na din, natutunan kong ang sarili kong wika ay hindi ko dapat kalimutan at ito’y dapat kong ipagmalaki. Kung ang ibang lahi, katulad ng mga Espanyol, Hapon at Intsik, nga ay nagawa nilang gamitin ang kanilang wika sa pang araw-araw na pananalita, bakit ba hindi ko maaring gamitin ang sarili kong wika na walang halo ng wikang banyaga. May karapatan din akong gumamit ng sarili kong wika hindi ba?

Inaamin kong hindi ako gaanong magaling sa paggamit ng wikang Filipino. Ako ay mayroong dahilan. Ang Pilipinas ay maraming wika at isa sa mga iyon ay ang wikang Hiligaynon. Iyan ang wika ng mga taga Kanlurang Bisaya. Sa aming lugar, hindi namin ginagamit ang wikang Filipino sa pang araw-araw. Sa eskwela lang namin nagagamit ang wikang Filipino. Mayroon man akong dahilan, hindi pa din iyon sapat para hindi ko turuan ang aking sarili ng aking wikang pambansa. Ang aking katipan ay isang Bulakenya at unti-unti nya akong natuturuan ng mga salitang Filipino – karamihan sa mga salitang natutunan ko ay napakalalim; kinalakihan na yata ng mga taga Bulakan ang maging makata.

Humihingi ako ng paumanhin sa aking mga mambabasa kung hindi ko masyadong naipahiwatig ang tunay kong layunin sa sanaysay na ito. Ako ay nahihirapan pang gumamit ng wikang Filipino lalong-lalo na sa paggamit ng tamang balarila upang ipaalam sa buong mundo na ang Filipino ay dapat huwag dumihan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga salitang banyaga dito. Ang wikang Filipino ay s’yang tanging naiwan para tayo ay makilala bilang isang Pilipino at maitatangi sa mundo.

1 comment May 8th, 2008


Calendar

May 2008
M T W T F S S
« Apr   Jun »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Posts by Month

Posts by Category

Advertisement

Currently Reading

Fundamental Principles of the Metaphysics of Morals (Philosophical Classics) The Fountainhead